 | Do you know me? | |
"True friends depend not on how many you have but rather how many of them stay in the times of your trials and sufferings. They love you all the times and accept who you are and not what you have."
Taon-taon ay dumadaan ang mundo sa grupo ng “meteors” sa kalawakan, na siyang “Asteroid Belt.” Ang Asteroid Belt ay natatagpuan sa gitna ng planetang Jupiter at Mars at may mahigit sa 4,000 bilang ng “floating objects”. Nagkakaroon ng isang magandang tanawin sa kalangitan na tinatawag na “meteor shower” sa pagdaan ng planetang Earth dito. Ang mga meteor na nagmumula sa mga asteroid na pinanggalingan nito ay malinaw na makikita sa gabi o lugar na madilim at malayo sa mga liwanag ng siyudad. Kilala ito sa katawagang bulalakaw, “shooting stars” o “falling stars.”
Sa taong kasalukuyan, masisilayan sa kalangitan ang “Leonids meteor shower” na magaganap sa Nobyembre 17-18. Ang mga meteor nito ay galing sa kometang “Tempel-Tuttle” na siyang parent comet nito. Ang Comet Tempel-Turtle ay nadiskubre ni Ernst Wilhelm Leberecht Tempel, isang German Astronomer, noong taong 2005.
Pagkatapos nito ay ang “Geminids meteor shower” naman sa Disyembre 13-14 na maoobserbahan lalo na sa mga bansang Asya ng bandang 10pm o 2am o sa pagbubukang liwayway. Natuklasan ito noong taong 1862 nang mahigit sa 10-20 bulalakaw kada oras ang nasilayan sa kalangitan. Sa karagdagang impormasyon, taong 1983 lamang nalaman ang parent comet nito, ang “3200 Phaethon.”
Isang bagay na pinagtatalunan patungkol dito ay kung ang 3200 Phaethon ay kometa o isang asteroid dahil ang komposisyon nito ay katulad sa asteroid at ang orbit nito ay katulad sa mga planeta. Ang kakaiba pa nito ay hindi gumagawa ang “3200 Phaethon” ng “cometary tail” kapag napapalapit sa gravitational pull ng Araw na katulad ng ibang kometa. Ang “cometary tail” ay lumilitaw dahil sa “solar magnetic field” na dinadala ng “solar wind” galing sa Araw.
Ang “asteroid” ay mula sa salitang Griego na “asteroeides” na ang kahulugan ay “star-like.” Noong 1802 ay isinuhesyon si William Herschel na ibukod ang mga bagay na ito sa kalawakan na iba sa kategorya ng isang kometa. Kilala sila na tawag na “small planet.” Iba-iba ang anyo nito at di katulad ng planeta na may hugis na elliptical o bilog. Ayon din sa mga mananaliksik, ang mga asteroid na ito ang posibleng naging dahilan ng pagkalipol ng mga dinosaurs noong panahon ng “Cretaceous period.” Sa matinding paghampas ng asteroid sa ibabaw ng mundo ay nagbunga ito ng pagbabago sa klima at temperatura na siyang ikinamatay ng mga higanteng hayop.
Ang unang asteroid ay natuklasan ni Giuseppe Piazzi taong 1801. Ang pinakamalaking asteroid ay ang Ceres. Ito ay may 933 kilometro sa diyametro. Karamihan sa asteroid ay maliit sa mass ng Buwan (Moon).
May posibilidad na mahigit-kumulang sa 100 bulalakaw ang masaksihan ng mga manonood sa Disyembre 13, 2009. Kapag ang pagbulusok ng mga bolang apoy na ito ay humigit sa 1,000 kada oras ay tinatawag ito na “meteor outbursts” o “meteor storms.” Kadalasan itong nagaganap sa “Geminids meteor shower.”
Ang “meteor” ay pitak na gawa sa metal o bato na lumulutang sa kalawakan o “meteoroids” na hinigop ng gravity ng planetang Earth. Nagmula ito sa salitang Griego na “meteoron” na ang ibig sabihin ay phenomena sa kalangitan. Ang “meteors” ay may laking 1millimeter-1centimeter sa diyametro. Sa bilis na libong milya sa isang oras at sa taas na 30-80 milya mula sa top soil ay lumilikha ito ng tila bumubulusok na bolang apoy. Galing ito sa isang “asteroid.” Karaniwan ay hindi ito lumilikha ng tunog kapag ito ay humantong sa atmosphere ng planetang Earth. Ilan lamang ang umaabot sa lupa dahil karaniwan dito ay natutunaw sa bilis ng pagbulusok nito sa ere. Kapag umabot ang mga meteoroids na ito sa lupa ay tinatawag ito na “meteorites.”
May tatlong uri ng meteorites: mabato (stony), bakal (iron) at pinaghalong bato at bakal (stony-iron). Ang “Hoba” ang pinakamalaking meteorites na gawa sa bakal na natuklasan. Ito ay may bigat na 65-70 tons at natagpuan ng isang magsasaka sa Namibia, Grootfontein (South West Africa.) Noong taong 1929 ni Jacobus Hermanus Brits, isang siyentipiko, ay gumawa ng isang ulat patungkol sa pagkakatuklas nito. Sinasabing ito ay nagkakaedad ng 80,000 taon mula ng tumama ito sa ibabaw ng mundo. Dahil sa sobrang bigat nito, hindi ito naialis sa lokasyon nito hanggang ngayon. Ginawa itong National Monument sa lugar na kinalalagyan nito noong March 15, 1955 sa pahintulot ni Mrs. O. Scheel na siyang may-ari ng bukid na kinalalagyan nito.
Karaniwan, nakabase sa konstelasyon (constellation) na pinagmumulan nito ang pangalang ibinibigay sa meteor shower. Noong Nobyembre 12-13, 1833 nasilayan ang pinakamaliwanag na “meteor shower.” Taong 1970 at 1993 ay walang naitalang naganap na “Leonids meteor shower.” Natagpuan ang muling paglitaw nito taong 1994. Noong Hunyo 30, 1908, isang meteorite ang tumama sa Tunguska River ng Siberia. Gumawa ito ng shock wave na may layong 2150 square kilometers sa kagubatan ng Taiga at liwanag na matatanaw sa layong 200 square kilometers.
Kung makakakita tayo ng meteor na manggagaling sa ibang direksyon na hindi nagmula sa direksyon pinanggagalingan ng mga bulalakaw sa kaganapang meteor shower, ang meteor na ito ay tinatawag na “sporadic meteor.” Ito ay lumilitaw na lang basta-basta at walang kinalaman ang “meteor shower” rito.
References: http://stardate.org/nightsky/meteors/ http://www.nasa.gov/worldbook/meteor_worldbook.html http://www.theskyscrapers.org/meteors/ http://www.solarviews.com/eng/meteor.htm http://stardate.org/nightsky/meteors/ http://meteorshowersonline.com/leonids.html http://www.marmet-meteorites.com/id47.html http://giantcrystals.strahlen.org/africa/hoba.htm http://en.wikipedia.org/wiki/Hoba_meteorite http://www.space.com/meteors/ http://www.answers.com/Comet%20tempel-tuttle http://www.answers.com/topic/ernst-wilhelm-leberecht-tempel http://www.answers.com/topic/geminid-meteor-showers http://www.space.com/spacewatch/meteor_showers_2007.html http://www.space.com/scienceastronomy/astronomy/geminids_meteor_991213.html http://science.nasa.gov/newhome/headlines/ast04dec98_1.htm http://www.answers.com/topic/meteor-shower http://en.wikipedia.org/wiki/Asteroid_belt http://www.answers.com/topic/asteroids http://www2.ess.ucla.edu/~jewitt/tail.html http://science.nasa.gov/newhome/headlines/ast04dec98_1.htm http://leonid.arc.nasa.gov/meteor.html http://www.mnsu.edu/emuseum/information/solarsystem/asteroid_belt.html http://www.meteorblog.com/2009/02/meteor-shower-facts-sporadic-meteors/ http://www.ufoevidence.org/topics/tunguska.htm http://www.ufoevidence.org/documents/doc1722.htm
Maraming taon na ang lumipas, nguni’t ang lihim ng kaalaman patungkol sa “Black hole” ay hindi pa lahat nabubunyag sa mga siyentipiko at lalo na sa mga ordinaryong tao. Ito ay isang lugar sa kalawakan na mayroong napakalakas na paghila ng gravity o “gravitational pull” na kahit ang liwanag ay hindi makatatakas mula rito. Ang pangalang “Black hole” ay nagmula sa kakayahan nito na magkulong ng liwanag at maging maaninag (transparent). Unang ginamit ang terminong ito ni John Wheeler, isang physicist, sa kaniyang panayam sa publiko noong 1967 na “Our Universe: the Known and Unknown.” Sa kalaunan ay ginamit na ang katawagang ito.
Hinihigop nito ang lahat ng bagay na napapalapit sa distansiyang tinatawag na “event horizon” (Schwarzschild radius). Sinasabing ang “frame-dragging” ay bahagi ng black hole na kung saan ang kalawakan at panahon ay naaapektuhan. Ang anomang bagay na malapit dito ay nahihila sa pag-ikot nito na magdadala sa isang bagay papasok sa lagusan nito. Karaniwan ang ikot nito ay pabaligtad o counter-clockwise. Mahirap malaman ang lokasyon nito sa kalawakan sapagka’t hindi ito nakikita. Maliban na may maoobserbahang malapit na bituin o bagay dito na may liwanag at madaanan o mahahagip nito ay hindi mapapansin ang black hole.
Ang unang naobserbahan na blackhole ay ang “Cygnus X-1” (Cyg X-1) noong 1964. Mayroon itong mahigit-kumulang na 8.4 ulit na mass sa ating Araw. May layo itong 6,000 light-years at nagkakaedad ng mahigit-kumulang na 5 Milyong taon ayon sa mga mananaliksik. Sinasabi rin na nagmula ang Cyg X-1 sa bituing “progenitor” o matandang bituin na may 40 solar masses (katumbas na mass sa astronomy.)
Noong 1783, unang ipinahayag ni John Michell (geologist at astronomer) ang ideya ng black hole sa isang liham kay Henry Cavendish (siyentipikong nakatuklas ng elementong Hydrogen). Inilathala ang liham na ito noong 1784 nguni’t hindi ito masyadong binigyan ng pansin. Nang maging tanyag ang ideya ni Albert Einstein noong 1915 patungkol sa “general theory of relativity”, mula 1970 ay kinilala na ito nang muling natagpuan ang mga papel na nagsasaad patungkol rito. Laman nito ang kaalaman na may kakayahan ang gravity na maapektuhan ang liwanag.
Si Pierre-Simon Laplace ay isang French mathematician na nagpakilala ng “probability theory” taong 1796. Tinawag ang mga “high-gravity objects” na ito bilang “dark stars” sa kaniyang aklat na “Exposition du Systeme du Monde”.
Mayroong apat na klase ng black hole. Ito ay ang “Schwarzschild”, ang “Reissner-Nordstrom”, ang “Kerr” at ang “Kerr-Newman”. Ang Schwarzschild (static black hole) ay walang electrical charge at walang angular momentum. Nadiskubre ito ni Karl Schwarzschild, isang German Astronomer. Ang “Reissner-Nordstrom” ay may electrical charge pero walang angular momentum. Hindi rin ito umiikot gaya ng Schwarzschild black hole. Ang “Kerr” (rotating black hole) ay may angular momentum pero walang electrical charge. Ito ay ipinakilala ni Roy Patrick Kerr, isang New Zealand mathematician. Samantalang ang “Kerr-Newman” ay may electrical charge, angular momentum at umiikot ayon kay Ezra T. Newman, na isang American physicist. Ang “angular momentum” ay isang bagay na malapit sa lokasyon ng black hole na mapapakinabangan upang malaman ang paraan ng pag-ikot nito.
Isang black hole ang natagpuan ng Hubble Space Telescope sa layong 14 million light-years at may laking 300,000 beses na massive sa ating Araw. Sa pangunguna ng astronomo na si Ari Laor at Technion-Israel Institute of Technology sa Haifa, Israel, ito ay natagpuan sa galaxy NGC 4395. Ito ay inilatag sa harapan ng taunang pagkakatipon ng American Association of the Advancement of Science (AAAS.)
Ayon kay Michelle Thaller, isang astronomer, namamatay ang isang bituin pag nagsimula na itong bumuo ng iron o bakal sa loob. Kapag gumagawa na ng bakal ang isang bituin, imbes na ang enerhiyang ibinibigay nito ay papalabas, ito ay nagiging papasok. Ito ang isang dahilan upang ang isang bituin ay sumabog at maging supernova o isang bituing naglalabas ng napakalakas na liwanag. Ang kinauuwian nito sa huli ay ang pagkasilang ng isang bagong black hole. Binanggit din niya na karaniwan sa may potensiyal na maging black hole ay ang mga bituing kulay asul at maliliwanag na gaya ng nasa konstelasyon ng Orion.
Sa artikulong ginawa ni Ker Than, sinabi niya na kapag ang mga “dark star” ay nagkalapit ay magsasama ito sa isa. Kung magiging kasing laki ito ng 1,000 beses sa mass ng Araw, ito ay posibleng bumuo ng malaki at lubhang mapanirang black hole. Binanggit ni Robert Roy Britt na normal sa mga dark star na kainin ng isa ang kaniyang kapuwa na makatagpo sa kahit anong lugar ng kalawakan. Sinasabi na hindi lahat ng black hole ay nananatili sa isang lugar kundi karamihan dito ay umiikot. Sa ideya ni Einstein na “relativity” ay posibilidad na maglabas ito ng gravitational waves upang lumipat ng lokasyon. Kung ang magiging batayan ay pagiging makapinsala, mas delikado ang mga maliliit na black hole kaysa sa mga malalaki ang mass. Ang mga maliliit na dark star ay may maiksing panahon upang magbago ng bilis ng pag-ikot kung kaya magiging katulad ito sa ginigiling, ang pahayag ni David Kornreich na mananaliksik ng Humboldt State University, California.
Napag-alaman ng mga siyentipiko na sa maoobserbahang mga galaxy sa uniberso, karamihan dito ay may matatagpuang “supermassive blackhole” sa gitna. Sinabi ni Ginoong Ed Turner, isang astrophysicist, sa sentro ng Milky Way Galaxy ay mayroong isang bagay na maliwanag na mas maliit sa “Quasar” o “Quasi-stellar object” (starlike na naglalabas ng napakalakas na radio emission) na mahirap makita o obserbahan dahil sa kapal ng mga gas na bumabalot dito.
Sa mga nagdaang mga taon ng pagsasaliksik ng mga astronomo, nalaman na ang Milky Way Galaxy ay puno ng mga dark star. Sinasabi na maaari rin itong maging dahilan ng pagkasira ng planetang earth.
References: http://www.space.com/common/media/video/player.php?videoRef=black_holes http://www.answers.com/topic/black-hole http://www.space.com/common/media/video/player.php?videoRef=black_holes#playerTop http://www.answers.com/topic/emission http://www.answers.com/topic/hawking-radiation http://www.answers.com/topic/angular-momentum http://www.answers.com/topic/henry-cavendish http://www.answers.com/topic/pierre-simon-laplace http://www.answers.com/topic/john-michell http://www.answers.com/topic/frame-dragging http://www.answers.com/topic/cygnus-x-1 http://www.answers.com/topic/color-charge http://www.answers.com/topic/charge-physics http://www.answers.com/topic/karl-schwarzschild http://www.answers.com/topic/reissner-nordstr-m-metric http://www.answers.com/topic/rotating-black-hole http://www.answers.com/topic/roy-kerr http://www.answers.com/topic/kerr-newman-metric http://www.answers.com/topic/supernova http://en.wiktionary.org/wiki/progenitor http://www.answers.com/topic/solar-mass http://www.space.com/common/media/video/player.php?videoRef=BlackHoleBirthBurst http://www.space.com/scienceastronomy/070103_gcluster_bh.html http://www.space.com/scienceastronomy/060406_blackhole_merge.html http://www.space.com/scienceastronomy/050711_blackhole_looks.html http://www.space.com/scienceastronomy/aas_galactic_center_050111.html
 | Category: | Movies | | Genre: | Romantic Comedy |
A blind girl fell in love with an ugly beast dubber. When she gain her sight, unknowingly, her boyfriend undergone a face surgery to improve his look. Accidentally, she bumped to a person her bf identify himself as he is. She mistook him as her bf. That person was a police and her bf's highschool friend. The police fell in love with the girl. The challenge were how is he going to fight for his love?
Check out this movie 'cause I appreciate the story as I watch it, though, it is spoken in Korean, it has an English caption under. You'll laugh aloud while you enjoy their love story. It's simple and very entertaining.

SWEET, SWEET SMILE EVERYDAY by Carpenters
(*) youre always in my heart From early in the mornin til its dark I gotta see your sweet, sweet smile everyday
When I wake up in the mornin And I see you there I always whisper a little prayer I gotta see your sweet, sweet smile everyday
(**) I gotta know that you love me And that you want me And that youll always be there Ive gotta know that you care
(***) and I gotta feel your arms around me And that you need me And that youll always be there Ive gotta know that you care
If my times are bringin me down Youre the only one that I want around I gotta see your sweet, sweet smile everyday
And if Im all strung out Youre the only one who can straighten me out I gotta see your sweet, sweet smile every day
Repeat (**) Repeat (***) Repeat (*) | The Carpenters - Sweet, Sweet Smile | | ultimate collection | | The Carpenters | | | The Carpenters - Please Mr. Postman | | ultimate collection | | The Carpenters | | | I Have You | | A Kind of Hush | | Carpenters | |
|  | I tried to make some animation on photoshop! Take a look at it! Look cute, eh? |
"
Daniel Razon CD garners Gold award upon release Respected broadcast journalist Daniel Razon's ''Isang Araw Lang'' CD became the first album in Philippine music history to hit Gold Record upon release last Aug. 17."
Source Link:
http://ph.news.yahoo.com/mb/20090823/tel-daniel-razon-cd-garners-gold-award-u-2bf66ac.html
Ang Araw (Sun) na may layong humigit-kumulang na 92,900,000 miles (149,476,000 kilometers) mula sa mundo at pinaniniwalaang mahigit na 4.6 billion taon ng umiiral ay binubuo ng 74 na porsiyento ng Hydrogen. Binubuo halos ito ng gas sa “atomic form”. Ang Araw ay ibinibilang na bituin at isang “dwarf star” (normal na bituin na may temperaturang 6,000 K).
Taong 1610, unang natuklasan ang Sunspot. Ang “Sunspot” ang pinakamalamig na lugar sa Araw. Nagkakaroon nito sa mga lokasyon na may instansiya ng pagsabog sa Araw. Pagkatapos ng mga taon ng obserbasyon, ipinahayag ni Samuel Heinrich Schwabe, isang German astronomer na nagsasaliksik sa Sunspot, na nadadagdagan ang mga Sunspot pero pagkalipas ng 10-year period ay nawawala rin.
Ang Sunspot ang karaniwang nagiging dahilan ng Solar activity na may epekto sa “chromosphere” (ang atmosphere o unang layer ng Araw na may gaseous form) at “corona” (madalas masisilayan tuwing may Solar Eclipse). Dahil dito ay nagkakaroon ng “solar flares” (ang biglaang pagliwanag ng corona ng ilang minuto), “solar prominences” (isang malakas na pagsabog ng luminous hydrogen gas na umaangat ng libong kilometro sa ibabaw ng chromospheres), “solar wind” (ang pagdaloy ng ‘ionized hydrogen’ na namamanaag na mabilis palabas ng Araw) at ang “solar storm”.
Ang “solar storm” o “coronal mass ejection” (CMEs) ay ang malakas na pagsabog ng plasma na galing sa Araw. May mga “solar cosmic rays” na maaaring maisapanganib ang mga sasakyang pangkalawakan (spacecraft), mga astronaut na wala sa proteksyon ng “Ozone Layer” at teknolohiya sa planetang Earth na gaya ng cellular phone (kilalang cellphone). Nakakabuo ito ng “electromagnetic interference” na sadyang nakakapinsala sa ating mga makinang ginagamitan ng elektrisidad at kayang pumatay ng maraming tao.
Taong 1859, naganap ang pinakanakakapinsalang CMEs na sumira sa “telegraph communication”. Kung mangyayari ito muli sa ating panahon, kaya nitong sumira ng mga “power grid” (electrical cables) at maapektuhan ang supply ng tubig, napapanis na mga pagkain, medisina at mga pangunahing pangangailangan ng tao, ayon sa ulat ng US National Research Council committee na pinamumunuan ni Daniel Baker ng University of Colorado noong May 2008 sa Washington, DC.
Ayon sa artikulong inilabas ng New York Times noong March 13, 1989, naganap ang isang solar storm na sumira ng mga “power grid” sa Quebec ng nagdulot ng power shutdown ng ilang oras. Kasabay nito, ang paglitaw ng napakagandang itsura ng “Aurora” o “Northern or Southern Lights” sa lugar ng Florida at Cuba, na isang halimbawa ng kaganapan na may kinalaman ang CMEs. Sinasabing nagkakahalaga ng $6 na bilyon ang napinsala nito na karamihan ay nasa siyudad ng Silangang bahagi ng Estado Unidos.
Ang “radiation” (energy transmitted as rays or waves in the form of particles) na binabato ng Araw dahil sa Coronal Mass Ejection (CMEs) ay nag reresulta ng pag-iral ng electromagnetic radiation sa halos lahat ng parte ng mundo. Ang kakaiba pa nito, nakakatanggap ang ating katawan ng radiation na katumbas ng 15-20 chest x-ray (gamma rays) annually mula lang sa “environmental radiation” ng walang bayad at hindi natin alam. Kapag tumaas ang ibinabato ng Araw na CMEs ay tumataas din ang natatanggap ng katawan natin. Ang mga “energetic particles” ay kayang pumasok sa ating mga selula (cells) hanggang sa ating “genes” at pinsalain ito. Hindi tama ang paniniwala na mayroon ngang “anti-radiation” dahil lahat ng bagay dito sa mundo ay mayroong radiation dahil sa CMEs. Mayroong mababa ang radiation na natatanggap pero kailangan ng talagang makakapal na pangproteksyon upang magamit na pangkontra dito.
Gumamit ang mga “health physicist” ng panukat katumbas ng “rad” (a watt of energy into 100 kilograms of tissue) na ginagamit ng mga siyentipiko, ito ay ang “rem” (an actual dosage equivalent to radiation as it impact biological tissue). Ang mga lugar na gaya ng Denver o Laramie (120-130 millirems/year), Guarapari sa Brazil (600 millirem/year), Kerala sa India (380 millirem/year), Louisiana, at Colorado (115 millirem/year) ay mga lugar na may mataas na radiation.
Ayon sa mga mananaliksik, ang ating katawan ay matatawag na “low-grade source of nuclear radiation”. Ang mga ipinapasok natin sa ating katawan sa pamamagitan ng pagkain gaya ng potassium o pag-inhale ng carbon ay mayroong mahigit-kumulang na 23 millirem sa isang taon. Sa karagdagang kaalaman, ang saging na kinakain natin ay mayroong mataas na radioactive potassium isotopes. Nararapat rin lang na ang isang taong naninigarilyo ay tumigil sa ganitong bisyo sapagka’t mayroon itong 40 millirem per year (1 pack a day). Hindi rin mabuti na magtagal ang isang tao sa basement sapagka’t karamihan ng elemento na nasa ilalim ng lupa ay mayroon din nito tulad ng radon, mga bato at gas.
Ang katotohanan, hindi pa rin ligtas ang tao mula sa radiation sa kabila na mayroon “Ozone Layer” na bumabalot sa mundo na nagsisilbing taga-sala (filter). Ang magagawa natin ay limitahan ang nakukuhang radiation sa katawan hangga’t maaari sa pamamagitan ng hindi matagal na exposure mula sa pinanggagalingan nito. Nakakabawas din ang pagbabakasyon o pagtira sa mga lugar na malapit sa dalampasigan ng dagat (receiving 35 millirems/year) sapagka’t nagagawa ng tubig na ikulong ang malalakas na lebel ng radiation. Kung kaya, ang pagkakaroon ng 75% na bahagi ng mundo na tubig ay tunay na nagiging proteksyon sa mga tao. Ang ating katawan na natural na dumidepensa ay nag-aayos ng ating mga selula (cell repair) upang tumulong sa pag-aalis ng radiation sa ating katawan. Alalahanin natin na kailangan maingatan ng isang tao ang kaniyang sarili sa overexposure sa radiation dahil puwedeng magresulta ito ng “cancer” (genetic damage of radiation) o kamatayan at lahat ng ito galing sa isang Coronal Mass Ejection (CMEs) o Solar Storm.
References: http://www.space.com/sun/ http://www.nasa.gov/worldbook/sun_worldbook.html http://www.answers.com/topic/sun http://www.answers.com/topic/heinrich-schwabe http://www.answers.com/topic/chromosphere http://www.answers.com/topic/solar-prominence-2 http://www.newscientist.com/article/dn16400-major-solar-storm-could-cause-lasting-damage.html http://www.sciencedaily.com/releases/2009/04/090414160803.htm http://www.solarstorms.org/SS1989.html http://www.solarstorms.org/NewsPapers/d1989.pdf http://www.solarstorms.org/NewsPapers/d1989c.pdf http://www.solarstorms.org/Sradiation.html http://www.solarstorms.org/Sairlines.html http://www.answers.com/topic/radiation http://www.answers.com/topic/electromagnetic-radiation http://www.solarstorms.org/Sairlines.html http://www.answers.com/topic/overexpose http://www.solarstorms.org/WorldNuclear.html
Last Aug.12,2009 another show was held in the heaven. The annual Perseid meteor shower can be seen, but, unluckily, I was not able to glance at it because of the cloudy sky here in Apalit, haiz! The perfect timing to see them were between midnight and daybreak, if the weather is good.
The Perseids are streams bits of debris from Comet Swift-Tuttle as it orbits the sun.
Yearly, in the month of August, planet Earth passes through these debris streams and can be seen even with a bright moon - dazzling shooting stars.
Source Link:
http://news.yahoo.com/s/space/20090811/sc_space/strongmeteorshowerexpectedtonight
“YConCon: Isang Araw Lang” A Youth Concert on August 17, at the Araneta Coliseum
A project of Youth Organization, BREAD (Bible Readers’ Society) International.
Performers: Pupil, Nina, Sugarfree, Itchyworms, Shamrock, Francis “Kiko” Reyes of the Dawn, and BREADcrumbs
"Proceeds from the YConCon: Isang Araw Lang will go to the various public service projects of Kuya Daniel Razon, particularly the Free College project which will provide free education to selected scholars from indigent families." The concert is a production of Breakthrough and Milestones Productions International Inc. (BMPI) in cooperation with UNTV 37. Source Link: http://kuyadanielrazon.wordpress.com/2009/08/13/kuya-daniel-razon-to-perform-launch-new-album-on-a-youth-concert/
Hindi totoo ang nalalaman natin na ang kalawakan o “space” ay “zero-gravity”. Hindi nangangahulugan na kapag ang isang bagay ay lumulutang na gaya ng nararanasan ng mga astronaut ay wala ng gravity sa kalawakan.
Ang salitang “gravity” ay nagmula sa Middle French o Latin word na “gravité” o “gravis” na nangangahulugang mabigat. Ang “gravity” ay ang natural na puwersa o atraksyong humihila paibaba sa isang bagay papunta sa pinagmumulan o sentro, gaya ng planetang Earth.
Noong Febrero 15,1564 isinilang si Galileo Galilei sa Pisa, Italy at nakilala bilang imbentor ng teleskopyong pangkalawakan. Naniniwala siya na ang mga planeta ay umiikot sa araw (hindi ang planetang Earth ang iniikutan ng araw at ng iba pang mga planeta). Dahil sa paniniwalang ito sa kaniyang panahon ay binansagan siyang kalaban ng Simbahang Romano at kasama siya na pinapatay noon sa inquisition. Unang sumibol sa kaniya ang ideya ng gravity.
Pagkalipas ng 78 taon ay ipinanganak si Isaac Newton noong Disyembre 25, 1642 sa Woolsthorpe,Lincolnshire, England. Nakilala siyang ama ng modernong siyensiya o “modern science”. Siya ang unang nagpaliwanag ng pag-iral ng gravity. Taong 1666, nakita niya ang pagbagsak ng mansanas sa kaniyang hardin na nagbigay sa kaniya ng ideya patungkol dito. Hindi totoo na nabagsakan siya sa ulo ng mansanas kaya niya ito naisip. Noong namatay siya noong Marso 20, 1727 dahil sa sakit na bladder stone ay nagi siyang kauna-unahang siyentipiko na binigyan ng marangal na libing sa Westminster Abbey.
Pagkalipas ng 152 taon ay ipinanganak noong Marso 14, 1879 sa Ulm, Germany si Albert Einstein na naging kilala sa “general theory of relativity” na inilathala taong 1915. Ipinahayag niya rito ang kaugnayan ng panahon sa kalawakan at ang enerhiya sa “matter” o bagay. Naging mas tama ito kasya sa paliwanag ni Newton patungkol sa gravity. Naging batayan ito sa “cosmology” o pag-aaral na patungkol sa kalawakan na siyang ginagamit ngayon.
Mayroon pa ring “gravity” na nakakapit sa sasakyang pangkalawakan o “space station” upang ito ay makaikot sa orbit kahit nasa kalawakan. Sa layong 250 miles (400 kilometers) ay mayroong 90 porsiyento pa rin na mula sa mundong humihila na puwersa. Ang karanasan na ito ng mga astronaut ay tinatawag na “free fall” nguni’t ang pinagkaiba nito sa termino na ating karaniwang ginagamit ay hindi sila bumabagsak sa pinanggagalingan ng puwersang humihila kaya nananatili silang nakalutang patagilid.
Sa kalawakan natin, hindi maitatanggi na mayroong isang bagay na hindi nakikita na umaaktong “vacuum”, ang “Blackhole”. Ang blackhole ay isang lugar sa kalawakan-panahon o “space-time” na mayroong malakas na gravitational field na kahit ang liwanag ay hindi makakatakas.
References:
http://www.space.com/scienceastronomy/090727-mm-gravity-space.html http://www.answers.com/topic/gravity http://www.livescience.com/mysteries/080103-llm-gravity-space.html http://www.answers.com/topic/sir-isaac-newton http://www.answers.com/topic/albert-einstein http://www.answers.com/topic/general-relativity http://www.merriam-webster.com/dictionary/gravity http://sunsite.ubc.ca/LatinDictionary/HyperText/g.html http://www.latinwordlist.com/latin-words/gravis-11864714.htm http://www.answers.com/topic/sir-isaac-newton http://www.space.com/scienceastronomy/top5_myths_020903-1.html http://www.answers.com/topic/galileo-galilei http://www.answers.com/topic/black-hole
Being a teenager, I have experienced curiosity – spiritually. Honestly speaking, I also felt doubtful about the existence of the Creator before because of the different religions around me. When I heard Bro.Eli, I felt again the eagerness to search for truth and “GOD”. Though there are those people who experienced “God” by chance or what they call, “suwerte” or “kapalaran”, in my case, I did not let “fate” do the job. I exerted effort, my strength and mind to get the truth about salvation. And by that, HE did not disappoint me and I am so lucky, HE found me because I know, I can’t find Him just on my own. ^ _ ^
Link:
http://stewardsecretsofgod.wordpress.com/2009/03/13/god-is-looking-for-those-looking-for-him/
"MANILA, Philippines— (UPDATE) The Supreme Court has suspended lawyer Melanio “Batas” Mauricio for three years for violation of the Code of Professional Responsibility that mandates lawyers to refrain from engaging in unlawful, dishonest, immoral or deceitful conduct."
Link:
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metro/view/20090724-217034/Supreme-Court-suspends-lawyer-for-3-years
"I found this link and you might be amazed to read it!: link: http://relijournal.com/religion/central-in-apalit-vs-central-in-diliman-not-a-coincidence-but-preordained/ "This is a theory for your impression and wise comprehension. First of all the author of this philosophy cautions everyone not to be critical of what they come across in taking time to read this piece of write-up, instead to be more logical and rationale for raison d’etre, is the beginning of wisdom and deeper understanding of doctrines, facts and circumstances surrounding a Christian’s life."
Ayon sa siyensiya, ang hibla ng buhok ay nagpapahayag ng kasaysayan ng isang tao – ang kaniyang kinain, paraan ng pamumuhay, saan nakatira, kung mayroong bisyo, kung gumagamit ng droga at ang pinagmulang lahi. Nguni’t mayroong isang bagay na hindi nito kayang ipahayag, kung ano ang kasarian o gender ng nagmamay-ari ng buhok.
Totoo na ang buhok ay binubuo ng mga patay na selula pero ito ay nagsisilbing proteksyon ng ating ulo sa matinding sinag ng araw. Ang isang hibla ay may tatlong bahagi – ang “root”, ang “bulb” at ang “shaft”. Ang “root” ay nakabaon sa ilalim ng anit. Ang “bulb” ay nakadikit sa dulo ng anit. Ang “shaft” ay ang hibla mismo ng buhok. Ang loob ng hibla ng buhok ng tao ay nahahati sa tatlong bahagi – ang “cuticle”, ang “cortex” at ang “medulla”. Ang “cuticle” ay ang matatagpuan sa labas na bahagi ng buhok. Nagsisilbi itong proteksyon. Ang “cortex” ay ang ikalawang bahagi ng hibla ng buhok, taglay nito ang mga protina upang ang buhok ay maging matibay, mabanat at magbigay ng kulay. Ang “medulla” ay ang gitnang bahagi ng hibla ng buhok. Madalas itong masusumpungan sa may makakapal na buhok.
Taong 1995 itinatag ang Society of Hair Testing upang magsaliksik patungkol sa buhok na nagagamit sa mga pagtuklas ng mga kaalaman o kasaysayan ng isang tao. Nauuwi sa tatlong kategoriya ng tao ang “hair science” – African, Caucasoid at Asian.
Ang buhok ng tao ay karaniwang humahaba ng 0.3 hanggang 0.5 millimetre araw-araw. Ito ay binubuo ng “keratin” na nagiging dahilan ng pagiging elastic nito. Ang kapal ng isang hibla ay nasa 0.02 hanggang 0.04 millimetre. Araw-araw ay nalalagas ang ating buhok ng nasa mahigit-kumulang na 40 hanggang 100 na hibla. Nasa mahigit-kumulang na 150,000 hibla ng buhok ang nasa ulo ng isang ordinaryong tao.
Mas makapal ang buhok ng mga blonde kaysa sa mga itim o pulang kulay. Ang mga buhok ng African ay mabagal tumubo at madaling malagas kaysa sa mga European. Mas marami ang nagiging prone sa pagkapanot o “baldness” sa kanila kaysa sa mga Asyano. Ang mga Asian ang may buhok na pinakamabilis tumubo at mas nakakatagal sa pagbanat (elasticity).
Ang karaniwang sakit sa pagkapanot na “androgenetic alopecia” ay madalas presente sa lalake kaysa sa mga babae at bunga ng heredity o nakuha sa lahi. Ito ay makikita na unti-unting napapanot ang ulo mula sa buhok ng dulong noo’t papaitaas. Ang babae na nakatala noong May 8, 2004 sa Guinness World record na may pinakamahabang buhok ay si Xie Qiuping ng China, taglay ang may habang 18 feet at 5.54 inches (5.627 cm). Simula noong siya ay 13 yrs. old ay hindi na niya pinuputulan ang kaniyang buhok. Ang haba ng buhok ng isang tao ay batay sa “genes”. Kung hahayaan na humaba ito ayon sa naturalesa, nagkakaroon ito ng hangganan o katalagahan na tinatawag.
References: http://www.coolnurse.com/hair_facts.htm http://www.thickerhair.com/hairloss2.htm http://www.ukhairdressers.com/news3.asp http://www.answers.com/topic/hair-analysis http://nappyme.wordpress.com/hair-facts/ http://www.answers.com/topic/hair http://www.keratin.com/aa/aa010.shtml http://www.worldslongesthair.com/ http://www.guinnessworldrecords.com/records/human_body/extreme_bodies/longest_ hair.aspx
To all kaanib.net members,
We are encouraging you to send us your literary works in http://kaanib.net
Merrymaking in the village of San Juan, Apalit, Pampanga turned violent when a Catholic fiesta celebrator doused water on an Iglesia ni Cristo (INC) minister. The incident took place during the feast of St. John the Baptist when local folks douse water on passersby in the streets. Joel Banag, 31, a tricycle driver, splashed water on a purported Iglesia minister whom he didn’t recognize. The INC preacher allegedly punched Banag, who punched him back. They were pacified and Banag went home. But the incident didn’t end there. A group of alleged INC members, who were armed, went to Banag’s house and asked him to come out. Banag didn’t come out, fearing retaliation. At this point, Senior Police Officer 1 Avelino Balingit Jr. of the Apalit police force, an alleged INC member, barged into Banag’s house and arrested him without a warrant. While Banag was being marched to the police precinct, the INC mob allegedly beat him to a pulp. He arrived at the station bloodied and half naked as his shirt was allegedly torn by the mob. If INC Bishop Erano “Ka Erdie” Manalo reads this, I’m sure he’ll be fuming mad over the abusive members.
From the website of Inquirer.net ---> http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20090707-214205/Trillanes-should-look-at-himself-in-the-mirror
I saw his eyes are red. I asked him if he had fever. He nod. I asked him if he drink his medicine. He said, he did - "Don't worry there are many people who cares for me." I looked at his medicine and checked what medicine he drank. I burst into laughter - "Yeah, you did have many caring to received! Look at your medicine's brand - MULTICARE!"
| Category: | Movies | | Genre: | Sports |
I found the story kind of nice. Angus, a fatherless child who acts as a father of a Water Horse he found. The existence of the creature is a myth but here in the story, it shows that it was for real. The old man was the child in his story which he is telling.
| |